Mark,
Una sa lahat maraming salamat sa panahon na dumating ka sa buhay ko. Biglaan ka dumating sa yugto kung saan kailangan ko ng pagmamahal dahil nagmamahal ako sa isang malapit na kaibigan na hindi nakalaan para sa akin. Ang bilis lang ng panahon. Minahal kita kaagad. Nakalimutan ko lahat kung anuman pinagdadaanan ko noon. Sobrang saya ko palagi. Walang dull moments kapag kasama kita. Mga jokes at kalokohan mo para mapatawa ako. Sobra ka kase sweet sa salita at gawa. Hindi mo ikinahiya kahit malaki agwat ng edad natin. Hindi ko din naman masabi na kagandahan ako para bigyan mo ng pansin. Lalong hindi din ako sexy, timbang ko nga eh 76kgs... hehehe. Ewan ko kung ano ba ang espesyal na katangian ko para sa iyo na nakita mo sa akin.
Ang dami natin pinagdaanan-- may sobrang masasaya at sobrang malulungkot. Sobrang lungkot na nawala si bilog. Nag-iyakan tayo dahil sa bawat chat natin siya na ang focus natin. Yung mga pag-uusap ng kasal at mga gagawin pag-uwi mo ng Pinas. Na-appreciate ko yung mga times na pinagsilbihan mo ako-- pinagluto, hatid at sundo, pinalalakas mo loob ko, pinaglaba na dinadala mo pa sa dorm niyo, yung pag-aalaga mo sa akin kapag may sakit ako, pinupunasan mo pawis ko sa likod dahil alam mong mahina ang baga ko, para akong prinsesa kung ituring mo, lagi mo pinapaalala mga bawal na pagkain sa akin at sinusuyo palagi kapag may tampuhan tayo kahit ako may kasalanan. Napakabait mo sa akin. Maraming salamat. Naging mabuti kang boyfriend. Na-touched din ako na ipinakilala mo ako sa pamilya mo kung saan mas matanda pa ako sa mga kuya at ate mo khit wala ka dito sa Pinas. Salamat din sa pakikipag-communicate mo kay Mama na hindi ko inutos kase nabibigla na lamang ako na ngka-chat na kayo. Salamat din sa financial support.
Naaalala ko pa din ung bonding moments natin sa lake, park, oval, katakawan sa mga luto ni lowpan, videoke moments, sasayaw ka pa sa tugtog ng footloose (hahaha), mga gutom at kulitan moments, sa amy's, kamayan, kulitan sa bahay, jobel's, hsinchu, malls, chungli, simbahan, toufen etc. Actually, sobrang dami pa. Kulang ang space para banggitin ko lahat. Kahit na umuwi na ako ng-keep in touch ka hindi mo ako iniwan sa ere. Wantusawang chat at video calls tuwing umaga, tanghali, hapon at lalo na sa gabi. Nagkakasakit ako, palagi nag-woworry ka. Naiyak ka pa one time and ask mo si God bakit ako pa. Di ko deserve lahat ng dinadanas ko. Yung time na di ka makatulog kakaisip sa akin kaya ng-message ka sa mga ate mo dahil gusto mo makampante ako. Nagtataka sila dahil madaling araw ka pa daw nag-message. Sa mga moments na para di ako mag-worry sa iyo dahil nawalan ka internet, nakikigamit ka pa ng fb account nila Jib at Jayhart para imessage ako. Sobrang dami pa talaga. Thank you ha. Siguro lahat ng yun kailangan ko na isara kc close na yung chapter na yun.
May panibagong chapter na para sa iyo. Sana huwag mo siya hayaan mawala at huwag mo siyang sasaktan. At darating din panibago chapter para sa akin, someday... Salamat sa mga panahon na sinabi mo pinilit mo magbago para sa akin, yun sa inabot ng kaya mo. Sabi mo ang sama-sama mo dahil niloko mo ako. Hindi ka masama, maaring naging mahina, pero mabuti kang tao. Hangad ko lahat ng mabubuting bagay sa buhay mo. Sorry sa mga nagawa ko sa iyo yung mga times na nasaktan kita ng di ko sinasadya. Salamat sa maraming taon na inilaan mo sa akin. Sana naramdaman mo din sa mga panahon na tayo pa kung gaano kita minahal. Walang sayang na luha. Walang sayang na tawa. Lahat worth it. Di ako nagsisi na nakilala at minahal kita. I am praying for your wonderful journey in life. Thank you. God bless. Goodbye.
Janet
