Nagtapos ang lahat sa simula.
Estranghero na muli tayo sa isa't isa na may pinagsaluhang alaala.
Lumilipas na muli ang mga araw na parang katulad noong unang wala ka pa —ngayon na wala ka na'y bumalik na ako sa mga dati kong kinagawain.
Unti-unti nasasanay na muli akong mag-isa.
Pero inaamin ko paminsan-minsan, hinahanap ko pa rin ang presensya mo rito sa tabi ko.
Hinahanap ko ang mga kamay mo na humaplos sa akin —ang init na dala nito para pakalmahin ang nanlalamig kong puso.
Hinahanap ko ang mga mata mong tumitingin higit sa aking kahinaan —pagtingin na ang tanging hain ay pagtanggap kahit ang mundo natin ay magkaiba.
Hinahanap ko ang mga bisig mo na sumasalo sa lahat ng bigat sa akin nitong mundo —pasan mo ako kahit panandalian lamang ito.
Hinahanap ko ikaw mismo.
Ang lahat sa'yo.
Nasasanay na ako pero ang hirap palang bumalik muli sa mga bagay na labas na sa nakasanayan ko kahit panandalian lamang. :(
—Casian Aydaa